ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ika-20 taong anibersaryo ng trahedya sa Ormoc, ginunita


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang sapa na dinaluyan ng dambuhalang flashflood na nagwalis sa mga nakatira malapit sa lugar. Pinalapad na ito nang gawin ang flood mitigation control sa tulong ng Japan International Cooperation Agency.
Ginunita nitong Sabado ang ika-20 taong anibersaryo sa naganap na matinding flashflood sa Ormoc City, Leyte na ikinasawi ng tinatayang 8,000 katao. Umaga nitong Sabado nang isagawa ang prusisyon sa Ormoc na dinaluhan ng mahigit 2,000 Ormocanon. Nagtungo sila sa sementeryo na ginawang mass grave ng mga nasawi sa trahedyang naganap noong Nov 5, 1991. Sa mass grave, isang misa ang idinaos at inalayan ito ng mga bulaklak at kandila. Inalis din ang kurtinang nakabalot sa ipinagawang istruktura na magsisilbing simbolo sa pinaglibingan ng mga biktima ng flashflood. Ang paggunita ay pinangunahan naman ni Ormoc City mayor Eric Codilla na siyang nagpaliwanag sa publiko sa mga nakaukit na marka sa ipinagawang simbulo ng trahedya. Dinaanan din ng prusisyon ang pinalapad na sapa na dinaanan noong rumagasang baha na nagpalubog sa malaking bahagi ng lungsod. Kasagsagan ng bagyong Uring nang maganap ang flashflood sa Ormoc na nagpalubog sa lahat ng barangay sa lungsod. -- R.Roa/FRJ, GMA News