ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Legarda, kinumpirma ang reelection bid


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinumpirma ni Sen. Loren Legarda nitong Lunes ang kanyang reelection bid kasabay sa pagtanggi niyan na muling tumakbo sa mas mataas na posisyon.
 
"Yes, I am running for reelection in 2013, my last term," ani Legarda, tumakbo sa posisyong bise pangulo noong 2004.
 
Inihayag ito ni Legarda matapos siyang inilista ni Vice President Jejomar Binay, pinuno ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa listahan ng mga kandidatong tatakbo sa kanyang party.
 
Ayon kay Legarda, hindi pa niya pormal na nakaka-usap si Binay, ngunit mayroon na silang naunang kasunduang magsasama muli sa trabaho sa darating na 2013.
 
Nagsilbing campaign manager si Binay kay Legarda at sa yumaong Fernando Poe Jr. noong 2004 national polls. Natalo ang dalawa kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Vice President Noli de Castro.
 
“We’ve always been together since 2004. That’s consistent,” ani Legarda. “Sabi niya there’s no reason kung bakit tayo maghihiwalay pa.”
 
Dagdag pa niya, si Binay “is someone I regard highly and respect as a very hardworking public servant.”
 
Wala na umanong hinaing si Legarda na tumakbo sa mas mataas na posisyon matapos ang kanyang termino bilang senador.
 
“Never. Yan ang maski ilagay mo sa isang gintong plato, thanks but no thanks. Kasi I know where I belong and I say it with all sincerity really. You know what's for you and you know what's not for you,” aniya.
 
Plano para sa huling termino
 
Inihayag ni Legarda, kapag mahirang muli siya bilang senador, kanyang sisiguruhin ang maayos na implementasyon sa mga batas na kanyang tinulungang mapasa sa chamber.
 
"I want to continue serving in the Senate, and in my last term ang gagawin ko at bibigyan ko ng focus at prayoridad yung magmonitor, pag-iimplement ng ating mga batas na nagawa," aniya.
 
Kabilang sa mga batas na ito ay Solid Management Law, Climate Change Act, Anti-Trafficking in Persons Act, Barangay Kabuhayan Law, at Tropical Fabric Law.
 
“I will make sure that… these laws are funded, implemented and help the people in the grassroots,” ani Legarda. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News