ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNP, inihahanda na ang seguridad para sa 'Simbang Gabi'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang ilang security measures para sa taunang "Simbang Gabi" na magsisimula sa Disyembre 16.
 
Naglabas ang PNP ng Letter of Instruction 42-2011, isang listahan kung saan nakasaad ang ilang patnubay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa mga lugar na dinadayo ng mga tao, kabilang na ang mga simbahan.
 
Inutos na rin ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome ang pagkakaroon ng dagdag alerto sa Metro Manila at Cordillera at pati na rin sa national headquarters at mga national support unit.
 
Inulit ni Bartolome ang utos nitong full alert status sa Regions 9, 10, 11, 12, 13, ARMM at Special Action Force troopers matapos ang naganap na pagbobomba sa Mindanao.
 
Mahigit milyon ang inaasahang dadalo ng Simbang Gabi, itinuturing isa sa mga natatanging tradisyon ng mga Pilipino tuwing pasko, ayon sa PNP.
 
Siyam na araw simula Disyembre 16,  dadalo ang mga Pilipinong Katoliko sa mga simbahan bago mag-umaga bilang novena kay Virgin Mary.
 
Dumadalo ang mga Katoliko sa Simbang Gabi upang malugpod na aabangan ang pagkabuhay ni Kristo.
 
Nagtatapos ang Simbang Gabi sa Misa de Gallo, ang misa na magaganap ng Christmas Eve.
 
Christmas watch
 
Inatasan ang mga pulis na magbantay sa tourist spots, vacation hubs, palengke, malls, airports, seaports, at ng mga terminal ng bus.
 
Inutusan na rin ang mga PNP regional, provincial at local commanders na gamitin ang Police Integrated Patrol System upang mapabuti ang police patrol.
 
“The PNP vows to keep the nation safe as Christians celebrate the Yuletide season. We will intensify all police operations and will use all our resources and manpower just to make sure that the holidays will be peaceful and merry,” aniya.
 
Dagdag pa niya, maghihigpit sila hanggang Enero upang masiguro na walang mabibiktima ng mga kriminal lalo na ngayong pasko at bagong taon.
 
Tapping village watchmen, security guards
 
Inatasan na rin ni Bartolome ang mga beat patrol personnel upang isagawa ang mga anti-street crime operations.
 
Humingi na rin umano ng tulong ang PNP sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at iba pang accredited NGO's at ibang radio groups upang magbigay tulong sa puliko at pati na rin sa traffic management sa daanan sa buong bansa.
 
Inaasahan na rin ng PNP ang pagbabalik ng mga balikbayan at turista sa bansa upang ipagdiwang ang pasko at bagong taon kasama ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak.
 
Kabilang din ang mga security guards na inaasahang tumulong sa pagsisiguro sa kaligtasan ng bansa.
 
Assistance hubs
 
Inihayag na rin ng PNP na magtatayo sila ng mga 24/7 Assistance Hubs sa mga pangunahing paliparan, seaports, at ilang transport terminals. Babantayan din nila ang paggamit ng mga ilegal na paputok.
 
Makikipagsanib ang PNP kasama ang Department of Health (DOH) sa proyekto nitong "Iwas Paputok" upang mabawasan ang mga insidenteng may kinalaman sa mga paputok.
 
Magpapakalat na rin ang PNP ng ilang impormasyon upang malaman ng publiko ang dapat gawan upang sigurin ang proteksyon ng kani-kanilang bahay kapag sila'y tutungo sa ibang lugar. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News