ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinoy death convict sa China, binasahan na ng sentensya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binasahan na ng kanyang sentensya nitong Huwebes ng umaga ang Pilipinong nahatulan ng kamatayan sa China, ilang minuto matapos makausap ang kanyang mga kamag-anak bandang 9:08 a.m. Ayon sa ulat ng "News To Go" ng GMA News TV, binigyan lamang ng 10 hanggang 20 minuto ang mga kamag-anak upang maka-usap sa huling pagkakataon ang kanilang nahatulang kaanak doon sa Louzhou County. Nauna nang hiniling ng pamilya na huwag pangalanan ang kanilang kaanak na bibitayin. Matapos ang promulgation ng hatol, dadalhin ang nahatulan sa execution site at isailalim sa lethal injection process na tatagal ng 40 minuto hanggang isang oras. Nauna nang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez na: “If the execution will push through,” maasahang maiuuwi ang mga labi ng Pilipino matapos ang apat hanggang anim na araw. Samantala, uuwi na ang mga kaanak ng nahatulan sa darating na Sabado. Ayon kay Hernandez, ang 35-taong-gulang na Pinoy, na hinuli noong 2008 dahil sa pagdala ng heroin sa China, ang pinakahuling Pilipinong nakatakdang bitayin sa China. Nilinaw din niya noong Miyerkules na ang nahatulan ay hindi isang overseas Filipino worker (OFW). “He went to Macau as a tourist, and [also to] Malaysia. He did not have a contract that went through POEA,” ani Hernandez. Ayon sa kanya, wala umanong nalalaman ang mga kapatid ng nahatulan kung anong trabahong pinapasok ng kanilang kapatid, maliban sa palagi nitong paglakbay sa Macau. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News