ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga casino, Internet gambling paiimbestigahan ng isang senador


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Paiimbestigahan ng isang senador ang umanoy nakababahalang paglaganap ng mga pasugalan, kabilang na ang mga casino at Internet gambling, sa buong bansa.  Ayon kay Sen.  Aquilino “Koko” Pimentel III, bigla umano ang paglipana malalaking casino at Internet gambling operations sa bansa sa loob lamang ng nakalipas na ilang taon.
 
 Kabilang sa mga aalamain ng iminumungkaheng imbestegasyon ay kung may sapat na lisensiya at ano ang "terms and conditions" sa operasyon ng mga e-games station na makikita sa buong Kamaynilaan at iba pang malalaking siyudad sa Pilipinas.  
 Aniya, nakatakdang rebyuhin ng Senate committee on games and amusement ang batas na sumasakop sa operasyon ng mga casino, kabilang na ang relasyon ng mga nito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
 
Kasabay nito, nais ding malaman ng senador kung ano ang negatibong epekto sa mga pasugalan sa mga mamamayan, partikular na ang kabataan.
 
“Lubha nang nakababahala ang paglobo ng bagong pasugalan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan,” ayon kay Pimentel.
 
 "There have already been published reports of gambling-related deaths, where a bet collector of a new game called Bingo Milyonaryo was shot dead by  still unidentified assailants in the Visayas,” dagdag pa ni Pimentel.  
Ayon pa sa senador, hindi na maitatanggi ang matinding "rivalry" ng big-time operators na maaaring humantong sa "deterioration of law and order."  
Ipatatawag ng Senado ang mga opisyal ng Pagcor at Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) upang magbigay-linaw sa kasalukuyang kalagayan at mga regulasyon ng pasugalan, laluna't mukhang nalululong na ang marami sa mga Pilipino sa mga aktibidad tulad ng casino, lotto, sweepstakes, small town lottery, bingo, karera ng kabayo at sa Internet gaming.
 
These  legal forms of gambling have not even made a dent on the operations of illegal numbers game such  jueteng and swertres, which are also reportedly on the rise,” aniya. — LBG, GMA News