ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Banggaan ng sasakyan sa Bataan, 1 patay, 1 grabeng sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

LIMAY, Bataan- Patay ang isang biyahero ng isda nang bumangga ang sinasakyang niyang delivery truck sa umaatras na trailer truck nitong Martes ng gabi sa Roman Superhighway sa bayang ito. Patay sa naturang aksidente ang biyahero ng isda na nakilala pa lamang sa pangalang Allan, samantalang malubhang nasugatan ang kasama niyang drayber na si Roberto Montenegro, 50-anyos, residente ng Malabon City. Sa lakas ng pagkakabangga, kinailangang gumamit ng crane upang mapaghiwalay ang dalawang sasakyan at mahugot sa pagkakaipit si Montenegro na mabilis na dinala sa ospital. Wasak na wasak ang unahang bahagi ng delivery truck na sumalpok sa likuran ng trailer truck na sinasabing umaatras nang maaksidente, ayon kay PO2 Rodel Umengan, imbestigador ng Orion police station. Sinasabing nangyari ang sakuna dakong 7:30 p.m. habang umaatras ang trailer truck na pag-aari ng Skyland at minamaneho ni Crisanto Calara, 36-anyos, ng Tanza, Cavite, nang biglang bumangga ang paparating na fish delivery truck. “Hindi ko sinasadya ang nangyari," sabi ni Calara na pauwi na umano sa Maynila nang mangyari ang sakuna. Kasalukuyang siyang nakaditene sa Limay municipal jail matapos na kusang –loob na sumuko. Nahaharap si Calara sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property. -- Ernie Esconde/FRJ, GMA News