ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Quiapo Church, nakatanggap din ng mga banta ng terorista sa prusisyon ng Itim na Nazareno


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihayag ng pamunuan ng Quiapo Church nitong Martes na nakatanggap din sila ng impormasyon tungkol sa mga teroristang umano'y nagbabanta sa prusisyon ng Itim na Nazareno.
 
Ayon kay Quiapo Church rector Msgr. Clemente Ignacio, natanggap umano nila ang impormasyon bago pa man sila makipagkita kay Pangulong Benigno Aquino III noong Linggo.
 
"Bago dumating si Presidente, ang aming security group na may connection sa intelligence, kami-kami pinag-uusapan na namin. May pinasa sa akin na text na very concrete ang pangalan ng bombers," inihayag ni Ignacio sa dzBB radio.
 
Kinansela umano ni Aquino ang kanyang pagbisita sa Davao City nitong Linggo upang makipagkita kay Ignacio.
 
Ayon kay Ignacio, ipinaliwanag umano sa kanya ni Aquino ang detalye ng planong laban sa kanila.
 
Sa kabila nito, napagkasunduan ng mga opisyal ng Simabahan na ipagpatuloy ang prusisyon sapagkat malakas ang kanilang pananalig sa mga awtoridad.
 
Dagdag nito, may ilang pagkakataon noong nakaraan na kanila pa ring ipinagpatuloy ang mga aktibidad sa kabila ng mga banta kanilang natanggap.
 
Nitong Linggo, nagpatawag si Pangulong Aquino ng press briefing upang i-apela sa publiko na manatili na lamang sa kanilang mga bahay bunsod sa mga bantang kanilang natanggap.
 
Sa kabila ng pagbabanta, marami pa ring mga deboto ang sumama sa prusisyon nitong Lunes. Sa katunayan, karamihan sa mga deboto ang nakilahok sa 22-oras na prusisyon na nagtapos nitong Martes ng umaga.
 
Bilang sagot sa pagbabanta, humiling ang Palasyo sa mga telecommunications company na i-"disrupt" muna ang kanilang serbisyo sa lugar na dadaan ang prusisyon para mapatibay ang "national security."
 
Deep fervor
 
Nakintal umano si Ignacio sa mga debotong dumalo na ipinagpatuloy pa rin ang prusisyon sa kabila ng ilang pagsubok.
 
Sa kabila ng pagkasira ng andas na pinaglalagyan ng Nazareno, ipinagpatuloy pa rin ng mga deboto ang pagtutulak nito, at tinanggihan ang ilang suhestiyon na tuluyan nang tapusin ang prusisyon.
 
"Nakita ko talaga ang sakripisyo at lakas ng namamasan (men pulling the carriage)," aniya.
 
"Ito na ang pinakamatagal na prusisyon at pinakamahirap, pinakamalaking dinanas ng namamasan na kaladkarin ang andas at napakahabang prusisyon," kanyang idinagdag.
 
"Kung nangyari ito sa Mecca at ibang bansa, marami nang namatay at nasugatan sa stampede. Pero nakikita ninyo sa stage kung ikaw naroon sa stage, makikita mo may marshals, pero nakikita ninyo they tried to protect each other," aniya. — Amanda Fernandez/RSJ GMA News