ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Corona trial maaaring 'di lumagpas ng Marso 23 — Sotto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang araw bago pormal na sisimulan ng Senado ang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona, inihayag ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na maaaring matapos ang pagdinig bago o sa mismong araw ng Marso 23. Sa panayam ng radio dzBB, sinabi ni Sotto na maaaring masira ang "momentum" kung ipagpapatuloy ang pagdinig pagkatapos ng Holy Week break ng Kongreso mula Marso hanggang Mayo. “March 23, last day namin ‘yan, March 24 ang break. Pag nag-break nang March 24, hindi nila kaya awatin dahil Holy Week ang kasunod noon at magre-rebolusyon ang House of Representatives pag nag-extend kami at hindi sila pwede mag-break," aniya. Batay sa legislative calendar ng 15th Congress, magbi-break ang sesyon mula Marso 24 hanggang Mayo 6, at babalik sa Mayo 7 hanggang Hunyo 7. Naka-break ito ulit mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 22. Ani Sotto, hindi sila pabor na pahabain ang impeachment trial ni Corona.   “Pag nag-adjourn sine die sa 2013, may pending impeachment, delikado yan. Ang provision sa atin, wala na. Moot and academic or dismissed ang impeachment,” aniya. “May masamang agenda ang nag-iisip habaan ‘yan, may maitim na agenda ang mga ‘yan, na ma-delay ‘yan. Hindi namin papayagan yan." Samantala sa Malacañang, hinihikayat ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang publiko na maging mapanuri sa kanilang panunuod o pakikinig sa live coverage ng impeachment trial para makabuo ng kanilang sariling opinion. “We exhort everybody to monitor, watch, listen, learn and make your own judgment ... [It will be] good for us to be apprised of the pieces of evidence to be presented against the one on trial,” sabi ni Valte sa dzRB radio. “We cannot predict how long this will take, what courses of action both parties will resort to. Ultimately it would be up to the senate to decide gaano katagal gusto ang trial,” dagdag pa niya. Inihayag din ni Valte na sa bagama’t abala, imo-monitor ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga kaganapan sa paglilitis ni Corona. Nakatakdang tumungo sa Tarlac si Aquino Lunes ng umaga. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News