ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Guro sa Iloilo, inireklamo ng panghahalay ng 4 pang estudyante


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos kasuhan ng statutory rape at child abuse noong nakaraang linggo, apat pang kabataan ang nagreklamo ng panghahalay sa isang guro sa Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing kaagad na isinailalim sa medical examination ang apat na mag-aaral. Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa akusadong guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan. Nauna nang inireklamo ng panghahalay ang guro ng isang 10-taong-gulang niyang estudyante. Tumanggi naman ang guro na magbigay ng pahayag tungkol sa ibinibintang sa kanya. – FRJ, GMA News