ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga labi ng pulis na nasawi sa pagsabog ng bomba sa Taguig, naiuwi na sa La Union


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mabigat pa rin hanggang ngayon ang kalooban ng misis ng isa sa dalawang pulis na nasawi sa pagsabog ng isang bomba na dinala sa metal shop sa Taguig City noong nakaraang Linggo. Hindi pa rin daw makapaniwala si Menalyn Torralba sa sinapit ng kanyang mister na si PO3 Jose Torralba, na dinala na ang mga labi sa Santol, La Union upang dito ilibing. Si Torralba ay kabilang sa mga nasawi matapos sumabog ang hinihinalang vintage bomb na dinala sa metal shop sa Taguig City para i-diffuse. Bagamat tuliro pa rin, ang tanging iniiisip daw ngayon ni Mrs Torralba ay kung paano itataguyod nang mag-isa ang dalawang maliliit na anak. “Kung pwede lang ibalik ang buhay," lumuluhang pahayag ni Menalyn, sabay paglalarawan sa mister na mabait na asawa at ama sa kanilang mga anak. Hanggang ngayon ay wala pa raw kumpletong detalye na nakukuha si Mrs Torralba sa kung ano talaga ang naganap nang araw na sumabog ang bomba. Sa ngayon, nais muna niyang mailibing nang maayos ang mister sa darating na February 4. – CCVictorio/GLCalicdan/FRJ, GMA News