ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kuyang humalay umano sa 15-anyos na kapatid, nahuli; suspek, humingi ng patawad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Humingi ng patawad ang isang 23-anyos na lalaki sa kanyang nakababatang kapatid na babae na umano’y hinalay ng suspek sa Limay, Bataan noong Linggo ng gabi. Ayon kay Chief Insp. Edgar Balagso, hepe ng Limay police, nadakip ang suspek na pinangalang Jusly, matapos ireklamo ng kapatid nito sa ina na itinago sa pangalan Rose, 15-anyos. Sinabi ni Balagso na umamin umano ang suspek sa nagawa nitong kasalanan sa nakababatang kapatid at humingi ito ng kapatawaran. Lasing daw ang suspek kaya nito nagawa ang krimen. Sa imbestigasyon na ginawa ni PO1 Joan Javier, assistant chief ng women’s and children’s protection desk, lumitaw na nagpasama ang biktima sa kanyang kuya na ihatid siya sa kanyang bahay noong Linggo ng gabi. Magkahiwalay na umano ng tirahan ang magkapatid at aksidenteng nagkita ang mga ito sa isang swimming pool sa Limay. Kinagabihan ng Linggo, nakiusap ang biktima sa kanyang kuya na samahan na siya sa pag-uwi at ihatid sa kanyang bahay sa pangambang pagalitan siya ng kanilang ina. Ginawa ng biktima ang pag-aya sa kanyang kuya dahil sa tiwala. Pumayag naman ang suspek at inutusan pa umano ang biktima na mag-text sa kanilang ina para ipaalam na magkasama sila. “Habang naglalakad ang magkapatid bandang alas-7:30 ng gabi sa lugar na walang masyadong bahay, hinatak ni kuya sa dalawang kamay ang kapatid at ibinalibag sa damuhan," ayon kay Javier. Hinihintay pa umano ng mga imbestigador ang resulta ng medico-legal examination sa biktima at sasampahan ng kasong rape ang suspek. -- EEsconde/FRJ, GMA News

Tags: rape, incest