ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paglindol sa Visayas, nagresulta sa pitong patay


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa kabila ng pag-angat ng mga awtoridad sa tsunami alert nitong Lunes ng hapon, pito ang naitalang patay sa naganap na magnitude-6.9 na lindol sa Visayas nitong Lunes ng umaga.
 
Sa ulat ng GMA News TV, inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos na pito ang kumpirmadong patay dahil sa naganap na lindol.
 
Samantala, nakasaad naman sa Twitter account ng Official Gazette na "kinansela" ang tsunami alert matapos ang extended observation period.
 
"As per (the Philippine Institute of Volcanology and Seismology) report, tsunami alerts in the Philippines are now canceled after an extended observation period of two hours," kanilang inihayag nitong 3 p.m. sa Twitter.
 
Naghain ang mga awtoridad ng tsunami alert matapos lumindol, na nagdulot umano ng malalaking alon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumatagal lamang ang mga tsunami alert ng dalawang oras.
 
Ayon sa mga state seismologist, matatagpuan ang epicenter ng lindol sa dagat na pagitan ng Negros Island at Cebu.
 
Inihayag naman ni Ramos sa naunang panayam ng radio dzBB na nasira umano ang glass windows ng isang mall sa Negros Occidental. May cracks ding nakita sa isang mall sa Iloilo.
 
Sa Cebu, sinuspinde ng provincial capitol ang trabaho nitong hapon, ayon sa ulat.
 
Dagdag nito, may cracks na nakita sa gusali ng Cebu Department of Foreign Affairs.
 
PAL: Hindi ikakansela ang paglipad
 
Samantala, inihayag ng Philippine Air Lines na walang flights patungong Visayas at Mindanao ang nakansela sapagkat hindi umano apektado ang airport facilitiies sa paglindol.
 
"PAL assures its passengers that all PAL flights in the Visayas and Mindanao and green and go despite the earthquake shortly before noon today," ayon sa kanilang tagapagsalita na si Cielo Villaluna.
 
Panibagong paglindol
 
Natala naman ng United States Geological Survey ang isa pang naganap na paglindol sa Negros nitong 12:20 p.m. 
 
Sa inisyal na pagsusukat ng lindol, mayroon itong magnitude na 5.6, at epicenter na:
 
  • 71 km south-southeast of Bacolod
  • 84 km west-southwest of Cebu
  • 84 km north of Dumaguete
  •  556 km south-southeast of Manila.
— Amanda Fernandez/RSJ, GMA News