ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palparan muling hinikayat ng Palasyo na sumuko na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinikayat ng Malacañang ang nagtatagong si retired Army general Jovito Palparan na sumuko na lalo pa’t may manhunt operation na rin laban sa kanya ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).   “Considering what the other alternatives are in light of recent events, yes, to surrender will be his best option,” ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa isang press briefing nitong Martes.   Dagdag pa ni Valte, handa ang pamahalaan na bigyang proteksiyon si Palparan, na idinidiin sa pagkawala ng dalawang UP students, oras na siya’y sumuko. Sa isang pahayag nitong Pebrero 5, sinabi ng Communist Party of the Philippines na pinakilos na nila ang NPA para hanapin at arestuhin si Palparan at iharap sa “duly-constituted revolutionary authorities.” Nagtago si Palparan matapos maglabas ang korte sa Malolos, Bulacan ng arrest warrant laban sa kanya at tatlong iba pa kaugnay sa pagkawala nina Sherlyn Cadapan and Karen Empeno, kapwa estudyante ng University of the Philippines, noong 2006. Aminado si Valte na magiging “komplikado” ang pagtugis kay Palparan ngayong sumali na ang mga rebeldeng NPA.   “That would provide an unnecessary complication because only law enforcement components of the state are authorized to conduct the manhunt,” aniya. Dagdag pa niya: “The manhunt is ought to be purely a law enforcement matter. It should be the law enforcement components of the state that should be—that has the authority to undertake the manhunt and as such should be left to it.” Nag-aalok ang gobyerno ng P1-milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay impormasyon para ikadarakip ni Palparan. Maliban kay Palparan, inakusahan din ng two counts of kidnapping at serious illegal detention sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., S/Sgt. Edgardo Osorio, at M/Sgt. Rizal Hilario. Nauna nang sumuko sina Anotado at Osorio ngunit kasalakuyan pang pinaghahanap si Hilario, na "sidekick" umano ni Palparan. Magugunitang tinangka ni Palparan na umalis ng bansa patungong Singapore noong nakaraang Disyembre ngunit pinigilan siya sa ng Immigration officials sa airport. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News