ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Koreans, pinakamaraming dayuhan na nag-aaral sa Pilipinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba na umabot sa mahigit 26,000 ang bilang ng mga dayuhan na nag-aral sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2011? Pinakamarami sa kanila ay nagmula sa South Korea. Sa talaan ng Bureau of Immigration (BI), ang mga dayuhang nag-aaral sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay may hawak ng student visa, samantalang special study permits (SSP) naman sa mga nag-aaral sa elementarya at high school. Sa mahigit 26,000 dayuhan na nag-enroll noong July 2010 hanggang June 2011, lumitaw na mahigit 17,000 sa kanila ay nag-aaral sa kolehiyo. At kahit pag-aaral ang pakay nila sa bansa, itinuturing pa rin naman silang mga turista. Nanguna ang mga South Korean sa listahan ng mga dayuhang mag-aaral sa bansa na umaabot sa mahigit 11,600. Sinundan ito ng mga Chinese na mahigit 3,900, at pangatlo ang Iranians, na mahigit 3,000. Lalo namang dumami ang aplikasyon para sa student visa at SSP na naproseso ng BI pagsapit sa ikalawang bahagi ng 2011 (simula Agosto) na umabot sa mahigit 61,000. Ang patuloy na pagdami ng mga dayuhan na mag-aaral sa bansa ay maganda umanong indikasyon na nagiging educational hub sa Asia-Pacific region ang Pilipinas. - FRJImenez, GMA News

Tags: pinoytrivia