ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNoy, hindi dadalo sa burial rites ni Rep. Iggy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi dadalo si Pangulong Benigno Aquino III sa lamay o libing ni yumaong Negros Occidental Rep. Ignacio "Iggy" Arroyo Jr., ito ang pahayag ng Malacañang nitong Linggo. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi umano naging malapit si Aquino sa dating mambabatas. “No, he is not ... I am not quite sure if the president has been friendly with the late Iggy Arroyo,” pahayag ni Valte sa dzRB radio, nang tangungin kung dadalo si Aquino sa lamay at libing ni Iggy. Pumanaw si Rep. Arroyo, brother-in-law ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, sa London dahil sa kanyang sakit sa atay. Samantala, inihayag ni Valte na ipauubaya na lamang ng Palasyo sa Commission on Elections at sa Pasay City court ang desisyon sa kung papayagan si Gng. Arroyo na dumalo sa lamay at libing. Kasalakuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon ang dating pinuno. Ayon kay Valte, hiniling na ng korte ang detalye kung kailan ang lamay at saan ililibing si Iggy upang maihanda ang seguridad sa lugar. “Iiwanan namin [ang desisyon] sa judge kung papayagan o hindi si Gng. Arroyo. Importante na malaman ng Department of Interior and Local Government at ng Philippine National Police ang magiging parameters kung sakali pumayag ang korte para ma-setup ang security," aniya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News