Pinoy patay sa car crash sa Abu Dhabi
Patay sa car crash ang isang Pilipino sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates, ayon sa ulat ng isang UAE-based news site nitong Lunes. May dalawang tao ring sugatan sa naganap sa car crash sa Al Wajn, ayon sa ulat ng Gulf News. Hindi pinangalanan ng ulat ang mga biktima. Ayon sa pulis, namatay ang Pilipinong pasahero matapos magtamo ng malubhang mga sugat habang ang driver at isa pang pasahero ay nagtamo ng “severe to moderate injuries.” "According to a passenger in the same vehicle, the driver was engaged in a conversation with another passenger when the accident occurred, and was probably not entirely focused on the road," inihayag ni Col. Hamad Al Baloushi, director ng outer region ng Abu Dhabi Police. Nagtamo ng “moderate injuries” ang pasaherong Indian, ayon sa pulis. Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ang Pakistani national patungong norte sa fast lane nang mawalan siya ng kontrol sa sasakyan. Lumihis umano ito pakanan at tumawid sa ilang highway lanes. Ilang beses umanong tumilapon ang kotse nang tumigil ito sa roadside malayo sa highway lanes. – Amanda Fernandez/KBK, GMA News