ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga mag-aaral sa Baguio City, nagtanim ng mga rosas sa Araw ng mga Puso


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Habang marami ang namigay ng rosas sa kanilang minamahan sa Araw ng mga Puso, ang mga mag-aaral naman sa Baguio City ay magtanim ng iba’t-ibang mga rosas sa Rose Garden ng Burnham Park. Ang pagtatanim ng mga rosas ay paraan daw ng mga mag-aaral para ipakita ang kanilang pagmamahal sa kalikasan. Bitbit rin nila ang samu’t saring mga halaman na kasama ng mga rosas na kanilang itinanim. Sa simpleng paraan, layon daw nilang buhayin muli ang ganda ng Rose Garden sa sikat na pasyalan sa Baguio. “Mayroon naman kaming NSTP. Iyon na bale ang community service namin," ayon kay Airine Lerio, president eng UC student council. Nangako rin ang mga estudyante na daragdagan pa nila ang mga itinanim na rosas upang maabot ang mahigit sampung libong piraso ng bulaklak. “We encourage our student and we talked about this in the university. We agreed dapat may partisipasyon ng mga student," paghihikayat naman ni Dr. Leonarda Aguinalde, UC VP for Administration. Dahil sa pagmamalasakit na ipinapakita ng mga mag-aaral, maging ang arkitekto ng hardin ay nanawagan na rin sa publiko na makipagtulungan at alagaan ang mga pananim na bulaklak. “Dapat huwag nilang pitasin (ang mga bulaklak), may partisipasyon din sana ang community," paliwanag ni Architect Robert Romero, Project Head, Burnham Par Master Development Plan. Samantala, sa darating na Pebrero 25 ay muling bubuksan sa publiko sa tanyag na Rose Garden sa Burnham Park. – SFinuliar /GLCalicdan/FRJ, GMA News