ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hustisya para sa kalikasan, ipaglalaban ng dating chief justice


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos pagsilbihan ang Korte Suprema ng ilang taon, ang kalikasan naman ang balak na ipagtatanggol ni dating Chief Justice Reynato Puno. Tinanggap ni Puno ang alok ng Metropolitan Waterworks and Sewage System (MWSS) Administrator Gerardo Esquivel na gawin ang dating punong mahistrado na principal legal advisor ng Task Force Five Watersheds (TF5W).

(From left to right) Ex-Chief Justice Reyanto Puno, MWSS administrator Gerardo Esquivel, at former Isabela Governor Grace Padaca sa kanilang site visit sa Ipo Dam sa Bulacan noong Huwebes. Amanda Fernandez, GMA News
Sa panawagan ni Pangulong Benigno Aquino III, binuo ng MWSS ang TF5W na naglalayong maprotektahan ang limang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng buong Metro Manila. Sa isinagawa na site visit sa Ipo Dam sa Bulacan noong Huwebes, pormal na itinalaga si Puno sa kanyang bagong posisyon sa TF5W. Kabilang sa limang watershed na pangangalaagan ng TW5W ay:
  • Ipo Dam
  • Umiray Dam
  • Angat Dam
  • La Mesa Watershed
  • Marikina Watershed
Ayon kay Puno, P1 lamang ang kanyang ipinapabayad kapalit ang kanyang panunungkulan sa task force. Iginiit niyang "life-long personal advocacy niya ang pagtulong sa kalikasan." Sa kanyang paninilbihan sa Korte Suprema, pinangunahan niya noong 2010 ang pagsulong sa Writ of Kaliksan, ang pinaka-unang batas sa buong mundo na nagbibigay kakayahan sa isang grupo o tao na maghain ng reklamo sa Korte sa mga isyu kaugnay sa environmental degradation. Aniya, ang pagtanggap niya sa trabahong ito ay isang paraan lamang upang magbigay pabalik sa bansa. Overlapping laws Ayon kay Puno, isa sa mga tungkulin niya ay ang pagbuo ng listahan ng mga batas na makatutulong sa limang watersheds. Kanyang nilinaw na maaaring hindi na kinakailangang magbuo ng panibagong batas sapagkat may ilang existing laws na maaari namang gamitin. Giit niya, maaaring hahaba proseso kung magsasagawa pa ng panibagong batas, at posible rin ang pagkakaroon ng "overlapping laws and jurisdictions" na kanyang nais iwasan. Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng MWSS sa iba't ibang sektor upang tumulong sa task force. Isa sa mga layunin ng task force ay ang pagsasagawa ng reforestation. Mula sa naunang plano na pagtatanim ng 4,000 hectares ng mga puno sa paligid ng mga watershed sa loob ng 13 taon, kinakailangan itong gawin sa limang taon. Ayon sa MWSS, mahalaga ang mga puno upang mahawakan nito ang tubig mula sa kabundukan na maaaring magdulot ng soil erosion at contamination sa resorvoir. Ayon sa kanila, dahil umano sa illegal logging ang naging dahilan sa degradation. Nanawagan naman ang grupo sa National Defense upang mag-deploy ng mga tauhang sa paligid ng mga watershed upang maprotektahan ang mga puno. — LBG, GMA News
Tags: environment, tf5w