ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Report: Multo ng pinatay na 13-yr-old, 'sumanib' sa salesgirl sa Bacolod


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sumasanib umano sa isang saleslady ang kaluluwa ng 13-taong-gulang na babae na umanoy brutal na pinatay mahigit siyam na taon na ang nakalilipas. Ayon sa isang 24-taong-gulang na saleslady sa isang department store sa Bacolod City, mayroon umanong nagpapakita sa kanya na babae sa lugar na kanyang pinagtatrabahuan mula pa noong Disyembre 13 ng nakaraang taon. Ayon naman sa isang katrabahong lalake, nakasaksihan umano niya ang "pagsanib" sa saleslady ng kaluluwa ng babae na nagpakilalang "Lina." Brutal umano siyang pinatay ng isang construction worker noong 2003. Ayon sa ulat, inilibing si Lina sa isang vacant lot noon, kung saan nakatayo ngayon ang isang business establishment. Ayon sa saleslady, nang minsay kinunan siya ng retrato, may nakita umano siyang maitim na imaheng nasa kanyang tabi doon sa picture. Nang sinubukan umano ng computer technician na burahin ang imahe na iyon, naging distorted ang mukha ng saleslady. Nitong Disyembre, ayon sa saleslady, nagpakita umano sa kanya ang multo bago siya mawalan ng malay. Ayon sa kanyang mga katrabaho, nag-iba umano ang kanyang boses at ang kanyang mga ikinikilos. Mahigit pitong security guards ang sumubok na patahimikin siya ngunit nabigo sila. Nitong huling Valentine's Day, binisita umano siya ng multo sa kanyang boarding house, kung saan hinimatay muli siay at hindi maalala ang pangyayari. Ayon umano sa multo, ang pangalan ng kanyang mga magulang ay sina "Lucito" at "Menita." Kasama ang kanyang kaibigan, nagtungo ang saleslady sa Ma-ao village sa Bago City, kung saan humingi siya ng tulong sa "albularyo" na inatasan siyang magsuot ng crucifix. Inihayag naman ni Fr. Felix Pasquin, rector ng San Sebastian Cathedral sa Bacolod City, dapat humingi ng spiritual help ang saleslady kung napo-possess siya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News