We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa gitna ng pagbuhos ng ulan, masaya pa ring ipinagdiwang ng mag-aaral at bisita ang huling araw ng taunang pagdaraos ng University Week ng De La Salle University sa Taft Avenue, Manila nitong Biyernes. Matapos ang isang linggong selebrasyon, dinumog ng mga mag-aaral, alumni, at mga bisita ang culminating night, na may temang "Animovement: The Big 100," kung saan nagkaroon ng engradeng variety show na pinamunuan ni Kapuso host Ramon Bautista, at Magic 89.9 DJs na sina Slick Rick at Sam YG. Naging tampok sa programa ang isang fashion show na naging tradisyon na sa pamantasan. Nagkaroon din ng ilang performance mula sa mga mag-aaral, kabilang na ang dance company ng DLSU. Inabangan din ng mga mag-aaral ang concert kung saan itinampok ang ilang lokal na banda tulad ng Techy Romantics, Up Dharma Down, Radioactive Sago Project, Franco at Taken by Cars. Click here for a larger view
Nagtapos ang gabi sa isang fireworks display at pagkanta sa Alma Mater song. Sa ulat naman ni Cata Tibayan para sa "Balitanghali" ng GMA News, nagkaroon ng week-long fair sa loob ng DLSU campus kung saan may ilang mag-aaral na nagbebenta ng mga samu't saring gamit tulad ng gadgets at fashion accessories. Nagkaroon din ng gaming area kung saan maaaring makapaglaro ang mga mag-aaral at bisita ng Xbox at Playstation. Mayroon ding face-painting booth, jail booth at marriage booth na naging patok sa mga mag-aaral. Naging tampok din ang taunang "Haunted Hall" kung saan nanindak ng mga bisita ang mga mag-aaral na miyembro ng acting guild ng pamantasan. One Billion Project Hindi lamang saya para sa mga mag-aaral at bisita ang dulot ng selebrasyong ito. Ayon sa ulat, layunin ng fair ang makalikom ng pera para sa pagpapa-aral ng isang milyong isklolar. Magiging panimulang pondo ang malilikom na pera mula sa weeklong bazaar at ticket selling, ayon sa ulat. Ayon kay Br. Bernie Oca, FSC, Vice Chancellor for Lasallian Mission and Alumni Relations, "A lot of the money that will be coming from this activity is going to the one billion project. Our goal is to send one of five students of La Salle to have full scholarship." Sinang-ayunan naman ito ni Ramon Bautista. Aniya, "Marami talagang deserving students para sa scholarship. Naniniwala ako education is the key to success." Samantala, ikinatuwa naman ni Sam YG ang pag-imbita sa kanya ng pamantasan, ayon sa ulat. Aniya, "It is an honor to be here yun nga buhay na buhay ang La Salle spirit kahit umuulan walang umaalis." — LBG, GMA News