ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tubig sa tabing-dagat sa Cebu, ‘kumukulo’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nababahala ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Dumanjug sa Cebu dahil sa nakita nilang pagkulo umano ng tubig sa baybayin ng dagat sa kanilang lugar. Sa ulat ni GMA News reporter Mark Anthony Bautista sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing patuloy ang gagawing pagsusuri ng mga tauhan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa naturang insidente. Ayon sa mga residente ng Brgy Looc, napansin nila ang pagbula ng tubig sa tabing dagat isang araw matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Visayas region noong Pebrero 6. “Nung una pupunta sana ako sa dagat nang may mapansin akong mainit, madaling araw... paglingon ko, malakas ang tubig, kumukulo," kwento ni Jovencio Pabuaya. Dahil dito, nanawagan ang mga residente na suriin ang pagkulo ng tubig ng dagat dahil sa pangambang magdulot ito ng masama sa kanilang kalusugan. Pinawi naman ang MGB ang pangamba na baka may bulkan sa ilalim ng dagat na siyang lumilikha ng pagkulo ng tubig. Sinabi ni Abraham Lucero Jr, opisyal ng MGB-7, napapalibutan ng limestone ang baybaying dagat sa Dumanjug. -- FRJ, GMA News

Tags: cebu, sinkhole