ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Seguridad para sa paglilitis kay Gloria Arroyo, ikinakasa na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinihigpitan na ng mga pulis ang seguridad para sa arraignment ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Pasay court sa darating na Huwebes. Lilimitahan din ng Metro Manila police ang media coverage sa loob Pasay City Hall of Justice sa araw na iyon, ayon sa ulat ng radio dzBB. Si Gng. Arroyo, kasalakuyang congresswoman ng second district ng Pampanga, ay babasahan ng kasong electoral sabotage kaugnay sa umano'y iregularidad sa 2007 midterm polls. Siya ay naka-hospital arrest mula pa noong Nob. 18, habang nagpapagaling sa kanyang karamdaman sa buto. Ayon kay Metro Manila Police District spokesman Superintendent Danilo Pecana, limitado lamang ang lugar para sa media sa loob courtroom, na matatagpuan sa ikatlong palapag Pasay City Hall of Justice. Maaari lamang manatili ang media sa open ground o perimeter area, ayon kay Pecana. Dagdag pa niya, nakatalaga sa may entrance ng ahll of justice ang Philippine National Police-Public Information Office personnel upang magbigay-tulong sa media. Kinakailangang dumating ang media sa loob ng venue bago 6:30 ng umaga para sa registration at briefing, aniya. Samantala, magpapakalat ng ilang mga pulis sa ruta mula Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, kung saan naka-confine ang dating Pangulo, patungo sa Pasay court. Ang mga tauhan ng Police Security and Protection Group ang nakatalagang magsagawa ng arrangements ng convoy, habang ang Pasay Police ang naatasang i-secure ang hall of justice at ang paligid nito. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News