ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Naligaw na dahong lagas mula sa liham ni Rizal sa mga dalaga sa Malolos
By E. SAN JUAN, JR
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

E. San Juan, Jr.
"suwail dahil kami'y nagkaroon ng pagmamahal sa puri" Umaarangkadang alipato ng utak ang dumampi sa pisnging napukaw sa pakaluhod.... Bulong ba ito ng guniguning nagayuma sa pagbunyag ng katotohanan? Gumising sa pagkagupiling ang mga pinasuso ni Sisa o Salome sa gubat — "paraparang inianak na walang tanikala...." Inandukha't inaruga sa hiwaga ng panaginip ng suwail na hayop— Nagpupumiglas sa hawla ng kasaysayan ang budhing inatasang huwag "ipaalipin sa iba ang marangal at malayang pag-iisip"— Wangis pagaspas ng bagwis ang salitang hinugot sa bituka ng kaluluwang naglakbay sa London mula Kalamba— Ngayo'y alipatong pumaimbulog mula sa Bagumbayang kinabuwalan, babala'y alingawngaw ng putok.... Tumahimik ang namagitang utak habang nabulabog na titik ang humirit sa santuwaryong nahubaran ng saplot, humihirit pa rin.... Umaatikabong tinig ng armadong anghel sa Silangan ang nagbubunyag sa mga bagong binyag ng Malolos ng kaligtasang kanilang inangkin at inaruga sa bisa ng natuklasang katutubong tapang, alindog, dunong.
Tags: esanjuanjr, tulaesanjuanjr
More Videos
Most Popular