ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Grand Evangelical Mission ng INC sa Davao, dinagsa kahit umulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi natinag ang libu-libong katao na dumalo sa Grand Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo (INC) na isinagawa sa Davao City kahit pa umulan. Sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing isinagawa ang pagtitipon sa Tiongco Football Field sa Davao City. Tinatayang nasa 200,000 katao ang dumalo sa evangelical mission na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Region 11 na kinabibilangan ng Davao City, Davao Oriental, Davao Del Sur, Davao Del Norte at Compostela Valley. Ngunit bago magsimula ang programa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Gayunman, hindi umano natinag sa kanilang kinaroroonan ang mga mananampalataya. Ang Grand Evangelical Mission ng INC ay isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas nitong Martes, kabilang sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila. -- FRJ, GMA News