ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga produkto ng Laoac, Pangasinan, ibinida sa Agro-Trade Fair


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mga produktong pang-agrikultura, gaya ng mga sariwang gulay ang tampok sa isinagawang Agro-Trade Fair sa Laoac, Pangasinan “Ginagawa namin ito para ma-showcase ang iba’t-ibang produkto ng kada-barangay. Lahat ng mga produkto dito mga products ng magsasaka sa bayan," ayon kay Corona Fernandez, OIC, Agriculture Office ng Laoac. Kasamang ibinida sa mga produkto ang mga wine at suka na gawa mula sa iba’t-ibang klase ng prutas. Gaya ng dragon fruit wine, duhat vinegar at mango vinegar na gawa ng mga taga-Brgy. Caaringayan. Lingid sa kaalaman ng iba, isa rin sa ipinagmamalaki ng bayan ang kanilang footwear products. Kabilang sa mga mabiling produkto ang kanilang bakya. “Matibay kasi ang kahoy na ginagamit pero magaan ito kaya maganda," ayon kay Aling Lolita Arminda, gumagawa ng bakya. Hindi rin mawawala ang ipinagmamalaking fresh milk mula sa dairy farm ng bayang ito. Kasamang itinampok sa agro-trade fair ang iba pang produkto ng ilang kalapit bayan gaya ng San Manuel. Eco-friendly ang tema ng San manuel kaya naman makikita sa kanilang booth ang mga punla ng fruit bearing trees, forests trees at mga organic fertilizers na mabibili sa murang halaga. Mananatiling bukas sa publiko ang agro-trade fair hanggang sa Marso 6. -- JPonsoy/GCalicdan/FRJ, GMA News