ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki, sugatan sa magkahiwalay na pagsabog na yumanig sa Cotabato City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki ang nasugatan sa magkahiwalay na pagsabog na naganap sa Cotabato City nitong Sabado ng umaga. Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Sabado, sinabing naganap ang unang pagsabog dakong 6:30 a.m., sa likod ng isang beauty parlor sa Gutierrez Avenue. Ang pagsabog ay sinasabing may 100 metro lang ang layo sa main gate ng tanggapan ni Governor Mujiv Hataman ng Autonomous Region for Muslim Mindanao. Sa pagresponde ng mga awtoridad, isa pang improvised explosive device (IED) ang nakitang nakatago sa isang sako sa likod din ng beauty parlor. Habang patuloy ang imbestigasyon, naganap ang ikalawang pagsabog sa loob mismo ng compound ARMM, sa harapan ng Regional Ports Management Authority. Nasagutan sa naturang pagsabog si Brando Esmael, 18-anyos, residente sa lugar. Nitong Huwebes ng gabi, tatlo katao ang nasugatan sa pagsabog din sa Gov Gutierrez Avenue sa gilid ng GSIS building. Nito namang Biyernes ng gabi, dalawa katao ang nasugatan nang may sumabog din sa harap ng isang heavy equipment sa Pigcawayan-Pikit highway sa North Cotabato. Sinabi sa ulat na inihayag umano ni Abdulrashid Ladayo, hepe ng internal security ng ARMM, na posibleng ang mga pagsabog ay kagagawan ng mga taong nasasagasaan ng isinagawang reporma ni Hataman. — FRJ, GMA News