ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sinkhole sa Dalaguete, Cebu, patuloy na lumalaki


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Aktibo at patuloy na lumalaki ang nadiskubreng sinkhole sa Brgy Casay sa bayan ng Dalaguete sa Cebu, ayon sa Mines and Geosciences Bureau (MGB). Sa ulat ni Mark Anthony Bautista sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing nagdudulot ng pangamba sa mga residente sa nabanggit na barangay ang pagtuloy na paglapad ng uka sa lupa na unang nadiskubre noong nakaraang buwan. “Tuwing gabi, hindi ako masyadong nakakatulog dahil dito baka anong sunod na mangyari," ayon kay Lucia Entoma, residente sa lugar. Ayon sa kapitan ng barangay na si Joseph Belamia, umabot na sa halos 33 talampakan ang lapad ng sinkhole. Kaya naman patuloy ang babala ng mga awtoridad sa mga tao na huwag lumapit sa lumulubog na lupa. Pinag-iisipan na rin umano ng lokal na mga opisyal ang posibilidad na tambakan ang uka para maiwasan ang sakuna. Subalit inihayag ng MGB na hindi pa panahon para tambakan ang uka dahil aktibo pa ito o patuloy ang paggalaw sa ilalim ng lupa. -- FRJ, GMA News

Tags: cebu, sinkhole