ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamataas na tulay sa Pinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba kung saang lalawigan matatagpuan ang itinuturing pinakamataas na tulay sa Pilipinas na pinasinayaan noon 2009? Ang Agas-agas Bridge ang itinuturing pinakamataas na tulay sa Pilipinas ay may taas na 89 metro at habang 350 metro. Makikita ito sa barangay Kahupian sa bayan ng Sogod sa Southern Leyte. Bahagi ito ng Daang Maharlika Highway, ang kalsadang nag-uugnay sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil sa taas nito, ang Agas-agas bridge ay ikinukonsiderang engineering masterpiece na sinimulang gawin noong 2006 at pinasinayaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Agosto 2009. Naitayo ang nabanggit na tulay sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) sa pamamagitan ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) Loan. Ang Agas-agas Bridge ay bahagi na ngayon ng tourist attraction ng lalawigan, at pinagdadausan ng ilang outdoor adventure gaya ng bungee jumping.- FRJimenez, GMA News

Tags: pinoytrivia