ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bayarin para sa graduation, pinaghahandaan na ng mga magtatapos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinaghahandaan na ng mga mag-aaral ang mga bayarin para sa nalalapit nilang pagtatapos sa pag-aaral.
 
Sa ulat ni Cedric Castillo para sa "News To Go" ng GMA News TV, inilahad ng ilang mag-aaral ang kanilang paghahanda para sa nalalapit nilang graduation.
 
Para sa nursing student na si Joy Anglo, naging magastos ang apat na taon niyang pag-aaral sa kanyang kurso ngunit dahil isang beses lamang umano siyang magtatapos ng kolehiyo, payag siyang magbigay ng dagdag na gastos para sa kanyang graduation.
 
Aniya, "Magastos sobra kasi maraming fee, graduation fee, commencement fee, lahat.
 
Ngunit giit niya, "Isang beses ka lang naman ga-graduate ng college kaya sulitin na lang."
 
 
Samantala, maliban sa mga mag-aaral, puspusan na rin ang paghahanda ng ilang negosyo na patok ngayong panahon ng graduation.
 
Mabibili sa halagang P1,500 ang graduation attire para sa mga mag-aaral na magtatapos ng kolehiyo ngunit maaari rin naman nila itong arkilahin sa halagang P200.
 
Patok din ngayong panahon ng graduation ang mga bulalak. Mabibili sa Dangwa ang isang rose corsage sa halagang P25 at ang bouquet naman, mabibili ng P500.
 
Payo ng ilang nagtitinda sa Dangwa, i-order na ang mga bulaklak limang araw bago ang graduation.
 
Dagdag gastos din ang pictorial fee. Sa halagang P1000-3000, maaari nang kumuha ng package ang mga magtatapos para sa studio picture at ang larawan sa mismong araw ng graduation.
 
Umaabot naman ng P500-2000 ang ibabayad sa stylist upang ipa-ayos ang hair and make-up sa araw ng graduation.
 
DepEd Order 9
 
Samantala, ayon sa DepEd, para sa mga mag-aaral ng public elementary at high school na magtatapos, walang kailangang bayaran alinsunod sa DepEd Order 9, series of 2005
 
Nakasaad sa utos nito na:  
  • Public school heads, teachers and other DepEd personnel are not allowed to collect any graduation fees or any kind of contribution for the graduation rites;
  • PTAs may give donation in cash or in kind for the graduation ceremonies and celebrations;
  • No non-academic projects shall be imposed as requirements for graduation;
  • No extravagant special attire or extraordinary venue for the ceremonies should be required;
  • Graduation rites should not be exercised in splurging and display of pomp and pageantry but should be Spartan affairs which exhort civic duties, sense of community and personal responsibilities and should be memorable, exciting and animated without baggage of extra cost and excessive spending; and
  •  Contributions for the annual yearbook shall be on a voluntary basis.
— Amanda Fernandez/RSJ, GMA News