ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babae at umano’y live-in partner, patay sa riding-in-tandem sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang babae at sinasabing live-in partner nito nang pagbabarilin sila ng dalawang hindi nakilalang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Lapu-lapu City, Cebu. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing batay sa imbestigasyon, pauwi na ang mga biktima sakay ng kanilang multi-cab (GWS-339) nang bigla silang pagbabarilin ng mga salarin. Nagtamo ang mga biktima ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan, habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang salarin. Nakuha ang mga imbestigador ng pitong basyo ng bala mula sa cal.45 baril sa pinangyarihan ng krimen. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa naturang krimen. - FRJ, GMA NEWS