ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Enrile, 'di sang-ayon na ihain bilang ebidensya ang SALN ng ilang opisyal


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ni Senate President at impeachment court presiding officer na si Juan Ponce Enrile nitong Linggo ang kanyang hindi pagsang-ayon sa paghain ng defense lawyers ni Chief Justice Renato Corona sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ng iba pang mga opisyal bilang ebidensya sa nagaganap na impeachment trial. Sa panayam ng dzBB radio, inihayag ni Enrile na ang SALNs ng ibang mga government official – kabilang na ang sa mga senator at Cabinet members – ay "irrelevant" at "immaterial" sa kaso ni Corona. “Walang kabuluhan yan, panlalabo lang yan," aniya. Ayon kay Enrile, dapat lamang maging "direct to the point" ang kanilang pagpapaliwanag sa umano'y inconsistencies sa SALN ng kanilang kliyente. Para sa mga abugado ni Corona, sa paghahain ng SALN ng ibang government officials, mapatutunayang mayroon din silang inconsistencies sa pag-file ng SALN. Ipagpapatuloy ang impeachment trial ni Corona sa darating na Lunes at pansamantalang i-suspend ito sa darating na ika-22 ng Marso.  Magsisimula ang Congressional break sa darating na Marso 23. Ipagpapatuloy ang Senate session sa darating na Mayo. 'Gapangan' Samantala, iginiit ni Enrile na hindi niya papatulan ang "gapangan" o influence-peddling sa darating na break, kung meron man. Aniya, nais niyang magpahinga simula Marso 23, at maaari siyang mag-out of town hanggang sa huling araw ng buwang ito. “Wala pa namang gumagapang sa akin... wala akong kausap, at hindi ako nakikiusap maski kanino," aniya. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News