ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Firing squad sa heneral na nasa likod ng ‘Bataan Death March’
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kilala niyo ba kung sino ang Japanese military general na nasa likod ng ‘di malilimutang “Bataan Death March," na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad matapos ang World War II? Taong 1942 nang salakayin at sakupin ng puwersa ng Hapon ang Pilipinas sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdigang. Nang bumagsak ang Bataan sa puwersa ng mga Hapon sa pamumuno ni Japanese general Masaharu Homma, libu-libung sundalong kinabibilangan ng mga Pinoy at Amerikano ang naging POW o prisoners of war. Sinasabing sa utos ni Homma, inilipat ng kampo o piitan at pinalakad ng mahigit 100 kilometro ang tinatayang 80,000 POWs mula sa Bataan, Pampanga at Tarlac – na tinawag na “Bataan Death March."
Tags: pinoytrivia, bataan
More Videos
Most Popular