ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OFWs sa HK naglabas ng hinanakit vs 'illegal' training fees


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinumbong ng ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa mga opisyal ng Pilipinas ang umano'y illegal training fees na ipinataw sa kanila ng ilang recruitment agencies. Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang isyung ito ang nangunang paksa sa "Usap Bayan" forum na naganap sa Philippine Consulate sa Hong Kong nitong Marso 18. "The most talked about issues were the illegal collection of training and other fees by recruitment agencies as well as the mandatory collection of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) membership fee during the 're-contracting' process of Filipino workers," ayon sa ulat ng consulate sa DFA. Kabilang sa mga tinalakay sa forum ay:

  • ang mandatory insurance na alinsunod sa Republic Act 10022 of 2009, o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995
  • presyo ng passport at authentication services
  • kahina-hinalang recruitment activities
Pinamunuan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang "Usap Bayan" upang mapakinggan ang mga isyu o hinaing ng mga Pilipino doon. Kabilang sa mga dumalo sa forum ay sina Gabriela Women's Party Rep. Luzviminda Ilagan at ilang miyembro ng Filipino community sa Hong Kong. Inihayag naman nina Consul General Noel Servigon at Labor Attaché Manuel Rolden ang mga ginawa ng Consulate upang masagot ang hinaing ng mga OFW sa Hong Kong. Para kay Servigon at Roldan, layon ng pagtitipon na mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino para ihayag ang kanilang mga hinaing sa kanilang hinirang na legislators. Samantala, ipinangako naman ni Ilagan na kanyang ipagpapatuloy ang pagsulong ng congressional measures upang matulungan ang mga Pilipinong manggagawa sa buong mundo. – Amanda Fernandez/KBK, GMA News