ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Miriam tutol sa dagdag na US troops sa bansa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nababahala si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa panukalang magdagdag ng US troops sa bansa dahil baka ikagalit daw ito ng North Korea, na nakatakdang mag-launch ng isang rocket sa susunod na buwan.   “Kung matuloy man yan – wala pa naman daw nuclear reactor, but let’s just say they (North Korea) have the capability – kelangan ba na dagdagan ang mga Amerikano dito? Dahil kung walang Amerikano dito, wala naman tayong dapat ikatakot. We’re not within their radar. Oras na dinagdagan mo ang mga Amerikano dito, we now come into their radar. Kasi andito na kalaban nila,” ani Santiago sa panayam ng dzBB radio nitong Linggo. Tinutukoy niya rito ang napabalitang plano ng Pyongyang na mag-launch ng rocket sa darating na Abril upang maglagay ng satellite sa orbit. Ayon sa Pyongyang, para sa “space research" lamang ito bagama’t taliwas naman ang paniniwala ng US at ng iba pang nasyon. Naniniwala silang ang launch ay isang "disguised ballistic missile test" na labag umano sa ban ng United Nations. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nababahala sa gagawin ng North Korea dahil sa inaasahang tatama ang rocket sa Pacific Ocean, na malapit sa bansa. Sa nasabing panayam, sinabi ni Santiago na hindi siya sang-ayon sa pahayag ni Gazmin na kailangan ng Pilipinas ng mas maraming US soldiers sa bansa. Ayon sa kanya, ang pagtawag ng tulong sa US ay maaaring maging “magnet” ng atensyon ng North Korea, na maaaring mailagay ang bansa sa panganib. “Why put ourselves in danger? It’s a magnet. North Korea will now talk about the Philippines, whereas before, we are not a player. It’s just going to attract the North Korea military mind,” ani Santiago. Sa kabila nito, suportado naman ni Santiago ang pahayag ng pamahalaan sa UN Security Council na tutol ito sa planong rocket launch ng North Korea. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News