ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buhawi, tumama sa Bacolod City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang buhawi ang tumama sa Bacolod City nitong Huwebes ng tanghali na lubhang ikinatakot ng mga tagarito. Ayon kay YouScooper Ronald Ian Evidente, nakasakay siya sa jeep nang masaksihan niya ang unti-unting pagbuo ng buhawi sa hindi kalayuan.

Nagkagulo ang traffic sa Bacolod City dahil sa buhawing tumama sa lungsod nitong Huwebes ng tanghali. Kuha ni Ronald Ian Evidente/YouScoop
Kwento niya, pinahinto muna nila ang sinasakyang jeep upang maiwasan ang panganib. Nang makarating sila sa North Drive, Bacolod City, nakita nila ang pinsalang idinulot ng buhawi.   "Mga puno halos matumba, natamaan mga sari sari store. May dalawang kotseng nagbanggaan, mga employees ng bangko sa terminal nasa labas, nagka-traffic dahil naging 'di passable ang daanan," ani Evidente. – KBK, GMA News