ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Windmill power plant, itatayo sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Handa na ang pagtatayo ng Windmill Power Plant sa tuktok ng bundok ng Labrador, Pangasinan, na magbibigay ng suplay ng kuryente sa ilang bayan sa lalawigan. Sa ulat ng GMA News TV Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing pamamahalaan ng Provincial Environment and Natural Resources Office o Penro, ang pagtatayo ng kauna-unahang windmill power plant sa Pangasinan. Ang windmill power plant sa Pangasinan ang magiging ikalawang windmill power plant sa Region 1, kasunod sa windmill power plant sa Bangui, Ilocos Norte. Maliban sa lokasyon ng windmill power plant ng Ilocos na itinayo malapit sa baybaying dagat ng Bangui, pareho umano ng disenyo ang windmill plant na ilalagay sa kabundukan ng Labrador. Tiniyak naman ng Penro na magiging malakas din ang enerhiyang ibibigay ng hangin mula sa kabundukan ng Labrador. Ang National Grid Corporation of the Philippines ang mangangasiwa sa distribusyon ng kuryente mula sa itatayong windmill power plant sa Labrador. – Rumangay/FRJ, GMA News