ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

53-anyos na ginang sa Iloilo, nagtapos ng high school


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi naging sagabal ang edad sa isang ginang sa Calinog, Iloilo na nagtapos ng high school. Umuwi pa mula sa Amerika ang isa niyang anak para saksihan ang masayang araw sa buhay ng kanyang ina. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing malakas ang palakpakan sa graduation ceremony sa Calinog Comprehensive High School nang tawagin na ang pangalan ni Gng Evangeline Catamin, 53-anyos. Pinarangalan din si Catamin biyang Most Dependable Student sa kanyang klase. “Naisip kong mag-aral ulit dahil gusto kong madagdagan ang aking kaalaman, at para maging masaya din ang mga anak ko na kahit may edad na ako pinilit kong makapagtapos ng high school," ayon kay Gng Catamin. Ang kanyang mister na si Mang Alfredo, proud na proud siya sa nakamit ng kanyang misis. Natutuwa rin siyang makita na maraming nagmamahal sa kanyang asawa sa paaralan. “Siyempre dahil marami ang masaya na nakapagtapos na siya at maraming nagmamahal sa kanya rito sa paaralanayon kay Umuwi rin sa bansa mula sa Amerika ang kanyang panganay na anak para dumalo sa graduation ng ina. Plano naman ngayon ni Gng Catamin na kumuha ng computer course sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. -- FRJ, GMA News

Tags: iloilo, heroes