ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinoy nurses, ‘di pa rin daw makakaasa ng trabaho sa US


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakalikha umano ng halos 1 milyong nurses ang Amerika sa nakalipas na anim na taon kaya hindi umano makakaasa ang mga Pinoy nurse na mangangailangan ang nabanggit na bansa ng mga nurse sa malapit na hinaharap. Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ni LPGMA party-list Rep Arnel Ty, na nasolusyon ng US ang kakulangan nila ng mga nurse noong 2010. “The shortage of nurses in America ended in 2010. Right now, they have ample supply of US-educated nurses," ayon sa kongresista. Batay umano sa talaan ng America’s National Council of State Boards of Nursing, nakalikha ng halos 1 milyon nurses ang Amerika mula 2006 hanggang 2011. Posibleng magkaroon lang umano ng pagkakataon ang mga dayuhang nurse – kabilang ang mga Pilipino – na makapasok sa US kapag dumating na ang panahon na magreretiro na ang mga American nurse pagsapit ng 2020. Dagdag ng kongresista, kung paniniwalaan ang ulat ng New England Journal of Medicine, may posibilidad din na magdagdag ng mga dayuhang nurse ang US kapag dumami ang mga kababayan nilang kumuha ng medical insurance coverage sa ilalim ng expanded US healthcare law na magkakabisa sa 2014. Sa mga nagdaang taon, ipinayo ng pamahalaan na iwasan na ang pagkuha ng kursong nursing dahil sa oversupply ng mga nurse sa bansa. Binatikos ni Ty ang higher education at professional regulators dahil sa pagiging huli sa pag-abiso at hindi nila nakita ang negatibong mangyayari sa labor market ng health profession. “They should be more aggressive in researching and projecting future labor market conditions, both here and abroad, to help guide young Filipinos as to potential career paths," ayon sa kongresista. “Regulators are just reacting to what is already happening, such as the apparent glut of nursing graduates. Their late advisories would be more valuable once these are predictive and instructive, rather than merely reactive," dagdag pa niya. - FRJ, GMA News