ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

FNRI: Bad cholesterol, tumataas habang nagkaka-edad


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pinakahuling survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), napag-alamang habang tumatanda ang isang tao, tumataas din ang kanyang lebel ng cholesterol sa dugo. Pero iginiit din ng FNRI na hindi dapat mangamba sapagkat may ilang pamaraan upang maka-iwas sa panganib sa pagtaas ng cholesterol. Sa isang pag-aaral ng FNRI-DOST, napag-alaman din na ang kamote ay may taglay na sustansyang nakatutulong sa pagpapababa ng total blood cholesterol levels sa dugo. Gaya ng bigas, isa rin sa itinuturing staple food sa bansa ay ang kamote. Mga bawal Samantala, payo ng FNRI, may ilang pagkain na dapat iwasan sapagkat nakasasama ito sa katawan. Ayon sa FNRI, dapat iwasan ang saturated fats, na nagpapataas ng low-density lipoprotein (LDL) o "bad" cholesterol. Isa rin ito sa risk factors sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Dapat iwasan ang mga pagkaing nagtataglay ng saturated fats tulad ng:

  • karne,
  • manok/ balat ng manok,
  • butter,
  • lard,
  • creme, at
  • gatas.
Samantala, ang mga pagkaing nakatutulong sa pagpapababa ng bad cholesterol at nagpapataas ng high-density lipoprotein (HDL) o "good" cholesterol levels, maliban na lamang kung idaan ang mga ito sa proseso ng hydrogenation at magiging trans fats. Ang trans fats ay nagpapataas sa bad cholesterol. Kapag hindi idaan sa hydrogenation, ang mga sumusunod na pagkain ay nagpapabuti sa katawan:
  • corn,
  • soybean,
  • sunflower, at
  • safflower.
Ilang paalala Paalala ng FNRI, kinakailangang alagaan ang katawan upang mapanatili ang kalusugan. Dagdag pa nito, ang mga sumusunod ay ang mga dapat iwasan:
  • Alak – nagdudulot ito sa sakit sa atay, sakit sa bituka, at mga sakit na may kaugnayan sa ugat.
  • Paninigariyo – ito marahil ang sanhi sa paulit-ulit na ubo; maaari rin itong magdulot ng kanser sa baga, tuberkulosis, hika at brongkitis.
  • Mamantika at maaanghang na pagkain at labis na pag-inom ng kape – maaari itong sanhi ng ulser sa tiyan at iba pang problemang kaugnay ng pagtunaw ng pagkain.
  • Labis na pagkain ng asukal at matatamis na pagkain – nagdudulot ito ng sakit sa puso at kanser sa bituka.
— Amanda Fernandez /LBG, GMA News