ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ilang silid-aralan sa elementary school sa Iloilo City, nasunog
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang mahahalagang dokumento ng mga mag-aaral ang natupok nang masunog ang may siyam na silid-aralan sa isang elementary school sa Iloilo City. Sa ulat ni Alessa Quimsing sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing mabilis na kumalat ang apoy sa Jaro 2 Elementary School sa Iloilo City dahil gawa sa light materials ang paaralan. Nahirapan din na makalapit ang mga bumbero sa nasusunog na paaralan dahil sa makapal na usok. Bagaman walang nasaktan, kasama namang naabo ang ilang mahahalagang dokumento gaya ng report card at diploma ng mga mag-aaral. Inaalam pa ang halaga ng pinsala ng sunog na pinaniniwalaang bunga ng problema sa linya ng kuryente.-- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular