ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Korte, naghain ng not-guilty plea para kay Mikey at asawa nito sa kasong tax evasion
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Humarap nitong Huwebes si Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel "Mikey" Arroyo at ang kanyang asawang si Angela sa Quezon City court para sa kanilang tax evasion na kaso.
Hindi naghain ang mag-asawa ang kanilang plea kung kayat ang korte na ang naghain ng not-guilty plea para sa kanila, ayon sa ulat ng dzBB.
Maagang dumating ang mag-asawang Arroyo para sa kanilang arraignment sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 100 Judge Marie Christine Jacob.
Itinakda rin ni Jacob sa Mayo 21 ang preliminary conference, habang ang pre-trial conference naman ay magaganap sa umaga ng Hunyo 7.
Nag-ugat ang kaso ng mag-asawa mula sa reklamong inihain ng Department of Justice at Bureau of Internal Revenue.
Kasalakuyang humaharap si Rep. Arroyo ng tatlong counts ng tax evasion habang humaharap si Angela ng pitong counts.
Ayon sa BIR, nabigo si Rep. Arroyo sa paghain ng tax returns para sa taong 2005, 2008, at 2009 habang ang kanyang asawa ay hindi nakapaghain ng ITRs nitong mula 2003 hanggang 2009. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular