ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Galing sa lamayan: 20-anyos na babae, patay sa aksidente sa motorsiklo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang 20-anyos na babaeng backrider, habang sugatan naman ang kasama niyang menon-de-edad na babae rin, nang maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Umingan, Pangasinan nitong madaling-araw ng Martes. Sinasabing galing sa lamayan ang mga biktima at pauwi na nang maganap ang malagim na aksidente sa Brgy Pemienta, Umingan, na naging dahilan ng kamatayan ng biktima na kinilalang si April Rose. Nagtamo rin ng mga sugat sa katawan ang drayber ng motorsiklo na napag-alamang menor-de-edad. Wala umano itong maipakitang lisensiya sa pagmamaneho. Lumilitaw din umano sa imbestigasyon na kapwa nakainom ng alak ang mga biktima. Ayon kay Chief Inspector Jesus Manalo, Jr., hepe ng Umingan police, posibleng hindi napansin ng dalawa ang nakasalagay na warning sign sa kinukumpuning kalsada na dahilan ng pag-semplang ng sinasakyan nilang motorsiklo. Muli namang nagbigay ng paalala ang pulisya sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho dahil bukod sa maraming kurbada ang kalsada, isa ring dahilan ng aksidente ang mabilis na pagpapatakbo. Mahigpit din ang payo ni Manalo sa mga nagmomotor na huwag kalimutang magsuot ng helmet at tingnan mabuti ang dinadaanan lalo na sa gabi. -- ASTulagan/GLCalicdan/FRJ, GMA News