ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Iloilo City, nagpasa ng ordinansa kontra paggamit ng earphones habang nagmamaneho


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa mga aksidente sa kalye, isang ordinansa ang ipinasa ng Konseho ng Iloilo City upang pagbawalan ang mga drayber na gumamit ng earphones habang nagmamaneho. Sa ulat ni GMA News reporter Ruth Cabal sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing saklaw ng naturang ordinansa ang lahat ng mga nagmamaneho ng pribado at pampublikong sasakyan. Maging ang mga nagmamaneho ng motorsiklo, tricycle at bisikleta ay sakop ng naturang ordinansa. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula P100 hanggang P3,000, at maaaring makumpiska ang lisensiya. Si Ferman Lao, isang automotive expert, pabor sa naturang ordinansa dahil maaari raw talagang masangkot sa aksidente ang isang nagmamaneho kung naka-earphone o headset habang nakikinig sa music o may kausap sa ceelphone. “Kapag naka-headset, nawawala yung sense of awareness mo sa paligid mo. Part of yung... kailangan ng senses sa pagiging aware ay yung pandinig. Let say may dumadaang trak o motorsiklo," paliwanag ni Lao. Sa talaan ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police, lumitaw na noong 2010, ang pangunahing dahilan ng aksidente sa kalsada ay human error. Kasama rito ang pagmamaneho ng lasing at paggamit ng cellphone. - FRJ, GMA News