ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Personal na desisyon na ni Koko kung lilipat siya sa Liberal – Enrile
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Personal na desisyon umano ni Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III ang kanyang posibleng paglipat sa Liberal Party para sa kanyang pagtakbo bilang senador sa eleksyong 2013, inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile nitong Linggo.
Ayon kay Enrile, patuloy pa rin ang alyansa ng PDP-Laban at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) sa kabila ng pagsusumikap ng LP upang makuha ang miyembro ng iba pang mga partido para sa kanilang sariling senatorial lineup.
“Na kay Koko yan, personal na decision niya yan. Siya ang presidente ng ng PDP-Laban, hindi ako pwedeng magpasiya 'dun,” ani Enrile sa panayam ng dzBB radio.
Si dating Pangulong Joseph Estrada naman ang namumuno ng PMP.
Sa mga naunang ulat, inihayag ni LP spokesperson Rep. Lorenzo "Erin" Tañada III ang kanilang pagnanais na kunin si Pimentel para sa kanilang senatorial lineup para sa 2013 eleksyon.
Hindi rin ikinatuwa ni Pimentel ang pakikipagsanib ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri sa PMP ni Estrada. Inireklamo ni Pimentel ang pagkapanalo ni Zubiri noong 2007 senatorial elections.
Maaaring isama si Zubiri sa senatorial lineup ng United Nationalist Alliance (UNA) para sa 2013 eleksyon.
Dagdag ni Enrile, nanatiling titular head ng PDP-Laban si Vice President Jejomar Binay.
"Wala akong opinion diyan sapagka’t coalition ang nagde-decide niyan, hindi ako," paliwanag ng Senate President. — Amanda Fernandez/ELR, GMA News
More Videos
Most Popular