Mga Pinoy nananawagan na lisanin na ng China ang Panatag Shoal
Kasabay sa isang kilos-protesta laban sa pag-angkin ng China sa Panatag (Scarborough) Shoal, nanawagan nitong Biyernes ang isang party-list group sa Beijing na lisanin na ang lugar at ihinto na ang pambu-bully nito. Ayon sa sulat-pahayag ng Akbayan party-list group, nagkaisa ang mga Pilipino sa buong mundo sa panawagang ihinto na ng China ang tangka nitong pag-ankin sa pinagtatalunang shoal na umano'y halatang pag-aari ng Pilipinas. "Today, Filipinos from different parts of the world rise up to confront the bullying of the Chinese government in the region. We hope China hears us loud and clear. We may be a small nation, but we will not let our country's sovereignty be trampled upon," ayon kay Akbayan acting president Marie Chris Cabreros. Ayon sa Akbayan, ang kilos-protesta na tinaguriang "Global Day of Action against China's bullying in the West Philippine Sea," ay ang pinakamalaking pagkilos ng mga Pilipino para sa "immediate pull out" ng China sa teritoryo ng Pilipinas. 'The world is watching' Ayon kay Cabreros ang "global protest" ay naglalayon na kalampagin ang international community ukol sa tensyon sa Panatag shoal. "International opinion is one of the best deterrents against China's overbearing attitude in the region," aniya. "We would like to expose the Chinese government's lack of respect for international law and the sovereign rights of its neighbors," dagdag pa ni Cabreros. Binatkos din ng Akbayan paghain ng travel advisory ng Chinese foreign ministry na pinag-iingat ang mga Chinese national sa Pilipinas laban sa posibleng paghihiganti ng mga Piliino. Ayon sa Akbayan, ang protesta ay laban sa patuloy na panghihimasok ng Chinese vessels sa Panatag Shoal at hindi laban sa mga Tsino. "Our protest action is directed against the policies and the bullying of the Chinese government in the Panatag shoal. It is not a demonstration against the Chinese people," ayon kay Cabreros. Gayun din, nakiusap si Cabreros sa mga Tsino na hilingin sa kanilang gobyerno na pumayag na pag-usapan ang gusot sa isang diplomatikong pamamaraan. “Filipinos are in solidarity with the Chinese people and we urge them to convince their government to resolve the issue by sitting in the international tribunal of the law of the seas (ITLOS) together with the Philippine government,” ani Cabreros. Samantala, pinasalamatan naman ng Akbayan ang hindi pakikialam ng Estados Unidos sa gusot sa West Philippine Sea. “We are glad that the United States has a hands-off policy in this matter as this is an issue that does not concern them. We reiterate that this is a regional issue and should be best addressed by regional stakeholders using multilateral mechanisms," pahayag ni Cabreros. Hinikayat din ni Cabreros ang mga bansa sa Southeast Asia, lalo na ang mga miyembro sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na makilahok sa isyu dahil hindi lamang ang Pilipinas ang maaapektuhan ng mga ikinikilos ng China sa buong rehiyon. “I think ASEAN must now lend its voice to this growing clamor for China to stop its intrusions and withdraw from the West Philippine Sea. If we as a regional community cannot show our collective voice, then it becomes easier for China to bully every Southeast Asian country,” aniya. Ang sentro ng pagkilos laban sa China ngayong Biyernes ay ang Chinese Consular Office in Makati City. Sabay-sabay rin na magsasagawa ng protesta ang mga Pilipino sa abroad at tutungo sa mga embahada at konsulado ng China kabilang na ang sa New York, San Francisco, Sydney, Austria, Vancouver at Hong Kong. Pinangungunahan ang "global protest" ng US Pinoys for Good Governance, sa pamumuno ng Filipino-American philanthropist at civic leader na si Loida Nicolas-Lewis. Nagsimula ang gusot sa Panatanag Shoal noong ika-10 ng Abril nang tangkain ng Philippine Navy na hulihin ang mga mangingisdang Tsino na nanghuhuli ng isda at kumukuha ng "endangered" na mga lamang-dagat doon. Hinarangan ng Chinese vessels ang Philippine Navy. Mulna noon, nananatili ang tensyon sa Panatag Shoal habang nagmamatigas ang China sa mga pakiusap na idulog sa ITLOS ang gusot. — LBG, GMA News