ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Petron nag-roll back ng presyo ng mga produktong petrolyo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinatupad ng Petron ang rollback ng kanilang presyo ng produktong petrolyo 12:01 ng madaling araw ng Lunes. Saklaw ng rollback ay ang mga sumusunod:
- P1.70 bawat litro ng Blaze 100, XCS, at Xtra (premium)
- P1.60 bawat litro ng Pinoy gasoline at regular gas
- P1.60 bawat litro ng Turbo Diesel at DieselMax
- P1.50 bawat litro ng kerosene.
Inaasahan ding magsasagawa ng roll back ng presyo ng kanilang mga produkto ang iba pang kompanya ng langis sa darating na linggo dahil sa pagbaba ng international oil prices.
Nitong Linggo, nagsagawa ng rollback ang Unioil sa presyo ng kanilang gas at produktong diesel, ayon sa ulat ng dzBB radio.
Nagsagawa ng roll back ang kumpanya sa presyo ng diesel sa P1.65 bawat litro, at gasolina naman sa P1.50 bawat litro, ayon sa ulat.
Nauna nang ibinaba ang presyo ng krudo sa $6 bawat barrel dahil sa bumabang demand, dagdag ng ulat.
Noong nakaraang linggo, nagsagawa ng rollback ang ilang kompanya ng langis sa presyo ng kanilang produkto dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa international market.
Nagsagawa ng 70 centavos bawat litro na rollback ang Phoenix Petroleum para sa regular gas at 60 centavos naman bawat litro ng diesel. — Amanda Fernandez/ELR, GMA News
Tags: fuelprices, oilpricerollback
More Videos
Most Popular