ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dugong, natagpuang patay sa tabing-dagat ng Ajuy, Iloilo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang dugong na may habang siyam na talampakan ang natagpuang patay ng mga residente sa tabing-dagat sa bayan ng Ajuy sa lalawigan ng Iloilo. Ang pagkakakita sa dugong ay ipinagbigay-alam ng Youscooper na si Jocelyn Maalat, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes. Ayon sa ulat, nakita ng mga residente ng Brgy Pantalan Nabaye ang dugong nitong Lunes na tinatayang tumitimbang ng 500 kilo. Ngunit hindi na umano natukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang dahilan ng pagkamatay ng dugong dahil inilibing na kaagad ito. Kaagad umanong inilibing ang dugong para hindi abutin ng pagkabulok sa ibabaw ng lupa, at nang hindi makasama sa kalusugan ng mga tao. - FRJ, GMA News
Tags: iloiloanimals, iloilo
More Videos
Most Popular