ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Yelo na kasing laki ng sago, bumagsak sa Davao del Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inulan ng maliliit na piraso ng yelo ang isang barangay sa Braulio Dujali sa Davao Del Norte, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes. Sa naturang ulat, sinabing umulan at humangin din ng malakas sa lugar na dahilan para mawalan ng bubong ang ilang bahay. Nagdulot din umano ng pinsala sa ilang bahay ang bumagsak na mga yelo na ang iba ay kasing laki ng sago. Kasama ring napinsala ang maraming pananim at puno sa lugar. Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, normal lang umano na maranasan ang pag-ulan ng yelo sa mga bulubunduking lugar. Pinayuhan naman ang publiko na manatili sa loob ng bahay kapag umulan ng yelo. - FRJ, GMA News