ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bangkay ng Japanese national, nadiskubre dahil sa masangsang na amoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bangkay na nang makita ang isang Japanese national sa inuupahan nitong kwarto sa Mandaue, Cebu, ayon sa ulat ng GMA News TV Balita Pilipinas Ngayon. Batay sa nakalap na impormasyon ng pulisya, hindi umano lumabas sa kanyang inuupahang kwarto ang biktima mula noong Lunes. Hanggang sa maireport ng mga residente sa lugar ang masangsang na amoy na nagmumula sa kwarto ng Hapon, at dito na natuklasan ang bangkay ng biktima. Pero batay sa isinagawang pag-autopsy sa mga labi ng biktima, lumitaw na walang foul play sa pagkamatay nito. Gayunman, hindi pa matiyak kung ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ng pulisya sa Japanese Embassy para maiuwi ang bangky ng Hapon na tatlong taon na ring naninirahan sa Cebu. - FRJ, GMA News

Tags: carcar, cebucrime