ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PNoy, dumalo sa pagtatapos ng 1st PHL International River Summit sa Iloilo City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinaluhan ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Biyernes ang pagtatapos ng kauna-unahang Philippine International River Summit na idinaos sa Iloilo City. Tinalakay sa naturang pagtitipon na sinimulan nitong Miyerkules ang mga paraan kung papaano mapapanatiling malinis ang mga ilog. Nagbahagi ng kani-kanilang ideya ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, ayon sa ulat sa Balita Pilipinas Ngayon ni GMA-Iloilo Jason Gregorio. Bukod kay Aquino, kabilang din sa mahigit 1,000 delikado na dumalo sa summit ang mga opisyal ng Pilipinas at maging ng ibang bansa. Tinalakay sa summit ang kahalagahan ng ilog sa buhay ng tao Matapos ang summit, binisita ni Aquino ang isang proyekto ng Iloilo River Development Council. Inatasan din niya ang Department of Public Works and Highways na bumuo ng komprehensibong water resources plan. -- FRJ, GMA News